....Last
February 13, 2016, just a month before my mother passed away, I wrote this
letter/spoken poetry. Uso kasi that time si Juan Miguel Severo sa OTWOL, so
sabi ko, why not try ko gawin sa Church tutal Youth President naman ako. Ginawa
ko 'to, Una, sawang-sawa na ko sa puro couple lang ung nagcecelebrate sa Church
every Valentine's day, so pano kaming mga Single? Pangalawa, gusto ko lang din
talaga subukan, wala lang, why not? Pero ending, hindi ko din nagawa hahah.
Parang wala kasi sa timing. Anyway, eto siya..:
Takot akong mag-Valentine’s Day
Bago ang lahat, ikwekwento ko muna kung paano ako nagkaroon ng
isang imbitasyon para makipag-date ng para lamang sa dalawa. Tipong mala- “Candle
light dinner for two.” Nakasulat sa imbitasyon ang mga salitang, ‘Date
naman tayo oh, miss na kasi kita.”
Napaisip ako, bigla akong nahiya, bigla akong natakot,
dahil baka hindi na ikaw yung dating kilala ko. O baka baliktad, baka hindi na
ako ung dating ako. Ngunit ang totoo, matagal na kitang kilala. Sa katunayan
nga’y tuwing nariyan ka, lagi mong sinasabing, “Jiezelle, mahal kita.”
At dahil sa imbitasyong iyon, nagbalik tuloy sa aking
alaala ang lahat. Naalala ko, na sa lahat ng panahon ng buhay ko’y nariyan Ka.
Hindi mo ako iniwan, ni pinabayaan man. Dinamayan mo ako sa lahat ng pagtawa
ko, sa lahat ng kaligayahang nadama ko, at sa lahat ng pangarap na natupad ko.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko rin inaasahang mas
makikilala kita sa panahong nalulungkot ako. Nasaktan ako dahil sa pagkakataong
yaon, mas pinakinggan ko ang “mahal kita” ng mundo, kaysa
sa “mahal kita” na nanggagaling sa boses Mo. Mas nakilala
kita, dahil sa bawat pagluha ko, ang Iyong mga Kamay ang naging tagapagpunas
nito. Mas nakilala Kita, dahil sa lahat ng pagtangis ko, ang Iyong tenga ang
naging tagapagpakinig nito. Mas nakilala Kita, dahil sa bawat yakap Mo,
unti-unting nagdidikit ang pira-pirasong bahagi ng puso ko.
Ipinaalala mo sa akin na Ikaw ang aking Unang Pagibig, na hindi pa
kita nakikilala, ni hindi pa nga ako ipinapanganak ay minahal mo na ako at alam
mo na maging ang bilang ng mga buhok ko. Ipinaalala mo sa akin na sa lahat ng
mga bundok na naakyat ko, ni hindi nito mapapantayan ang pag-ibig at
kapayapaang dadalhin Mo pa sa buhay ko. Ipinaalala mo sa akin na kung iaalay ko
lamang ang puso ko, ibibigay Mo pati ang buhay Mo, wag lamang akong muling
masaktan.
At dahil dito, mahaba man ang naging proseso, ay muli akong nabuo.
Hindi lamang ang puso ko, kung di pati na rin ang buo kong pagkatao. Ngayon ay
hindi na ako takot mag-Valentine’s Day, hindi na ako takot mag-Mahal na Araw,
hindi na ako takot mag-Pasko, hindi na ako takot sa bawat araw na mayroon ang
isang kalendaryo, at mas lalong hindi na ako takot sumama sa imbitasyon Mo,
dahil alam kong Ikaw na ang sentro nitong puso ko.
Dahil ngayon alam ko na, na Ikaw lamang ang nag iisang kasagutan
sa lahat ng mga katanungan ko. Alam ko na, na sa Iyong mga salita ang
nag-iisang tiyak sa libo-libong pagdududa ko. Alam ko na, na sa tuwing
maliligaw ako, susuyudin mo ang bawat kanto ng mundo, mahanap lamang ako.
Ngayon alam ko na, na sa tuwing makakaramdam ako ng sakit, lumbay,
o kawalan ng pag-asa,nariyan ka upang sagipin ako. Sasagipin Mo ako dahil bukod
sa kailangan ko ng tulong Mo, sasagipin Mo ako dahil sapat na ang lahat ng
naranasan mong pagkapahiya, pambubugbog, pagkapako sa Krus at pagmakamatay
upang maranasan ko pa ito ngayon sa kasalukuyang mundo.
At ngayon nga’y alam ko na kung paano magmahal, dahil sa pinadama
Mong tunay na pagmamahal, ay hindi na rin ako matatakot na muling magmahal.
Maraming beses ko man marinig ngayon ang “mahal kita” sa aking
sinisinta, ngayo’y hindi na ako mangangamba dahil ako’y kuntento na sa Iyong
pinakamatamis at pinakadalisay na “Jiezelle, mahal na mahal kita.”.
Dahil sa Iyo, aking Diyos Ama, panatag akong hindi Mo ako lolokohin at iiwan
magpakailanman.
.....Isn't it ironic that I
felt His love five months ago, and now that I desperately need it, He seems
distant. Or siguro alam ko naman pero everytime that I try to come closer, yun
din ung reason para lumayo ako. Ang labo, pero yun yung nararamdaman ko. Siguro
hindi pa talaga time, I will let myself grieve, to heal. In time Jiezelle, in
time, magiging okay din ang lahat.
....Last
February 13, 2016, just a month before my mother passed away, I wrote this
letter/spoken poetry. Uso kasi that time si Juan Miguel Severo sa OTWOL, so
sabi ko, why not try ko gawin sa Church tutal Youth President naman ako. Ginawa
ko 'to, Una, sawang-sawa na ko sa puro couple lang ung nagcecelebrate sa Church
every Valentine's day, so pano kaming mga Single? Pangalawa, gusto ko lang din
talaga subukan, wala lang, why not? Pero ending, hindi ko din nagawa hahah.
Parang wala kasi sa timing. Anyway, eto siya..:
Takot akong mag-Valentine’s Day
Bago ang lahat, ikwekwento ko muna kung paano ako nagkaroon ng isang imbitasyon para makipag-date ng para lamang sa dalawa. Tipong mala- “Candle light dinner for two.” Nakasulat sa imbitasyon ang mga salitang, ‘Date naman tayo oh, miss na kasi kita.”
Napaisip ako, bigla akong nahiya, bigla akong natakot, dahil baka hindi na ikaw yung dating kilala ko. O baka baliktad, baka hindi na ako ung dating ako. Ngunit ang totoo, matagal na kitang kilala. Sa katunayan nga’y tuwing nariyan ka, lagi mong sinasabing, “Jiezelle, mahal kita.”
At dahil sa imbitasyong iyon, nagbalik tuloy sa aking alaala ang lahat. Naalala ko, na sa lahat ng panahon ng buhay ko’y nariyan Ka. Hindi mo ako iniwan, ni pinabayaan man. Dinamayan mo ako sa lahat ng pagtawa ko, sa lahat ng kaligayahang nadama ko, at sa lahat ng pangarap na natupad ko.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko rin inaasahang mas makikilala kita sa panahong nalulungkot ako. Nasaktan ako dahil sa pagkakataong yaon, mas pinakinggan ko ang “mahal kita” ng mundo, kaysa sa “mahal kita” na nanggagaling sa boses Mo. Mas nakilala kita, dahil sa bawat pagluha ko, ang Iyong mga Kamay ang naging tagapagpunas nito. Mas nakilala Kita, dahil sa lahat ng pagtangis ko, ang Iyong tenga ang naging tagapagpakinig nito. Mas nakilala Kita, dahil sa bawat yakap Mo, unti-unting nagdidikit ang pira-pirasong bahagi ng puso ko.
Ipinaalala mo sa akin na Ikaw ang aking Unang Pagibig, na hindi pa kita nakikilala, ni hindi pa nga ako ipinapanganak ay minahal mo na ako at alam mo na maging ang bilang ng mga buhok ko. Ipinaalala mo sa akin na sa lahat ng mga bundok na naakyat ko, ni hindi nito mapapantayan ang pag-ibig at kapayapaang dadalhin Mo pa sa buhay ko. Ipinaalala mo sa akin na kung iaalay ko lamang ang puso ko, ibibigay Mo pati ang buhay Mo, wag lamang akong muling masaktan.
At dahil dito, mahaba man ang naging proseso, ay muli akong nabuo. Hindi lamang ang puso ko, kung di pati na rin ang buo kong pagkatao. Ngayon ay hindi na ako takot mag-Valentine’s Day, hindi na ako takot mag-Mahal na Araw, hindi na ako takot mag-Pasko, hindi na ako takot sa bawat araw na mayroon ang isang kalendaryo, at mas lalong hindi na ako takot sumama sa imbitasyon Mo, dahil alam kong Ikaw na ang sentro nitong puso ko.
Dahil ngayon alam ko na, na Ikaw lamang ang nag iisang kasagutan sa lahat ng mga katanungan ko. Alam ko na, na sa Iyong mga salita ang nag-iisang tiyak sa libo-libong pagdududa ko. Alam ko na, na sa tuwing maliligaw ako, susuyudin mo ang bawat kanto ng mundo, mahanap lamang ako.
Ngayon alam ko na, na sa tuwing makakaramdam ako ng sakit, lumbay, o kawalan ng pag-asa,nariyan ka upang sagipin ako. Sasagipin Mo ako dahil bukod sa kailangan ko ng tulong Mo, sasagipin Mo ako dahil sapat na ang lahat ng naranasan mong pagkapahiya, pambubugbog, pagkapako sa Krus at pagmakamatay upang maranasan ko pa ito ngayon sa kasalukuyang mundo.
At ngayon nga’y alam ko na kung paano magmahal, dahil sa pinadama Mong tunay na pagmamahal, ay hindi na rin ako matatakot na muling magmahal. Maraming beses ko man marinig ngayon ang “mahal kita” sa aking sinisinta, ngayo’y hindi na ako mangangamba dahil ako’y kuntento na sa Iyong pinakamatamis at pinakadalisay na “Jiezelle, mahal na mahal kita.”. Dahil sa Iyo, aking Diyos Ama, panatag akong hindi Mo ako lolokohin at iiwan magpakailanman.
.....Isn't it ironic that I felt His love five months ago, and now that I desperately need it, He seems distant. Or siguro alam ko naman pero everytime that I try to come closer, yun din ung reason para lumayo ako. Ang labo, pero yun yung nararamdaman ko. Siguro hindi pa talaga time, I will let myself grieve, to heal. In time Jiezelle, in time, magiging okay din ang lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento